Showing posts with label mmda. Show all posts
Showing posts with label mmda. Show all posts

Sunday, February 17, 2008

Nahuli nanaman ako ng MMDA sa EDSA

Kahapon ng umaga papunta ako ng gateway. Dumaan kami ng edsa, galing east avenue, galing elliptical road. Nagkwkwentuhan kami ng kasama ko kaya’t hindi ko napansin yung mga lanes. Nagdrdrive na pala ako sa Bus lane. Sobrang nakakatakot nang biglang may MMDA na nagpapahinto sakin. Grabe, adrenaline rush ito. I think I just uttered every curse word I could think of in my head. Hindi ko na ililista lahat ha. So ayun na nga, pinahinto na nya ako.. sabi ba naman sakin.

(bago nyo ituloy ang pagbabasa, be forwarned, the following will be a narration where in I would lie and lie profusely to the MMDA. A series of lies will follow, long lies, long enough to get me home and get my license back.)

MMDA: “Mam, mali kayo ng lane, dapat nasa outerlane kayo”

Ako: “manong pasensya na hindi ko napansin”

MMDA: “Hindi kasi kayo nagbabasa eh”

Ako: “Sorry po manong, baka pwedeng pag-usapan nalang natin..” (ito na yung sinasabi ko pag nag-aattempt akong mang-bribe)

MMDA: “Patingin ng lisensya nyo”

Ako: “Ano pong gagawin nyo?”

MMDA: “ titiketan kita at tutubusin mo sa makati, akin na lisensya mo”

Kinuha ko naman lisensya ko, at humirit pa.

Ako: “Manong maawa ka na, dyan lang naman ako pupunta sa gateway at sandali palang naman ako nag-drive sa yellow lane”

MMDA:”Hindi nyo kasi tinitignan eh, akin na yung OR.” (ito yung OR ng kotse ko)

MMDA: “parang tampered to ah”

Ako: “hindi ko na po alam yan manong, yan na po OR ng kotseng to”

Tapos may pinakita syang ticket, nakalagay dun na 500 pesos yung babayaran ko, at may mga seminars pa ako aattendan sa Makati, upang makuha yung lisensya ko.

Ako: “manong, pag-usapan nalang po natin, pero wala po akong ganyan kalaking pera, masyado pong malaki yung 500pesos sa akin”

MMDA: “naku, delikado yan, baka mahuli pa ako sa gusto mong mangyari, sige, bababaan ko nalang violation mo, 300pesos nalang”

Ako: “manong, hindi ko po magagawa yang mga seminars, kailangan ko pong magdrive papunta sa trabaho araw-araw, maawa napo kayo, hindi ko na po uulitin yung violation ko.”

MMDA: “talagang hindi mo na uulitin”

Ako: “Pano ba yang manong? Ako na pong bahala sa inyo, wag nyo na pong sabihin, kayo nalang po babayaran ko, gusto nyo ipit ko nalang sa OR yung pera?”

MMDA: “Delikado yang gusto mo, saan ka ba pupunta?”

Ako: “sa gateway po, unang beses ko po kasing dumaan dito.”

MMDA: “oh, sige, i-guguide ko nalang kayo papunta dun”

Hindi ko alam kung anong i-guguide, yun pala sasakay sya sa likod ng kotse at ituturo sa amin yung daan. At ganon na nga yung nangyari, umupo sya sa likod at tinuro sa amin yung daan papuntang gateway. Pagliko sa may araneta, ibinigay na nya sa akin yung lisensya ko. Ako naman, nagpasalamat, at nag-sorry ulit, habang nagpapaumanhin ako, inabutan ko na ng isang daan. 50 sakin, at 50 galing sa kasama ko.

Grabe, natapos din! Nakakatakot talaga! At nakakainis! Saying ang pera, at sobrang nakakakaba ang magmaka-awa sa MMDA. Stupid ko nga, hindi ko man lang alam kung anong violation ko at kung totoong 500php talaga. Basta, takot na takot talaga ako. Nung pauwi na galing gateway, hindi na kami dumaan sa EDSA, nag-aurora-anonas-kamias-kalayaan nalang kami, medyo malayo, pero ayoko nang mahuli ulit.

Buti nalang tumanggap ng bribe yung MMDA, at kung ano anong acting at pagsisinungaling pa ang ginawa ko para mangyari yun. Ilang dahilan na kaya ang narinig ng MMDA na yun? Siguro sanay na sanay na yung sa mga tanong kung ano anong dahilan. Naisip ko tuloy, mga lalaking driver ba, nagmamakaawa ng ganon? (I was clasping my hands together, saying, sorry and pleading my case.)  Nakakapagod talaga yun, ilang minuto lang yung pangyayari pero sobrang laking relief nung natapos. Hehe.