Kahapon ng umaga papunta ako ng gateway. Dumaan kami ng edsa, galing east avenue, galing elliptical road. Nagkwkwentuhan kami ng kasama ko kaya’t hindi ko napansin yung mga lanes. Nagdrdrive na pala ako sa Bus lane. Sobrang nakakatakot nang biglang may MMDA na nagpapahinto sakin. Grabe, adrenaline rush ito. I think I just uttered every curse word I could think of in my head. Hindi ko na ililista lahat ha. So ayun na nga, pinahinto na nya ako.. sabi ba naman sakin.
(bago nyo ituloy ang pagbabasa, be forwarned, the following will be a narration where in I would lie and lie profusely to the MMDA. A series of lies will follow, long lies, long enough to get me home and get my license back.)
MMDA: “Mam, mali kayo ng lane, dapat nasa outerlane kayo”
Ako: “manong pasensya na hindi ko napansin”
MMDA: “Hindi kasi kayo nagbabasa eh”
Ako: “Sorry po manong, baka pwedeng pag-usapan nalang natin..” (ito na yung sinasabi ko pag nag-aattempt akong mang-bribe)
MMDA: “Patingin ng lisensya nyo”
Ako: “Ano pong gagawin nyo?”
MMDA: “ titiketan kita at tutubusin mo sa makati, akin na lisensya mo”
Kinuha ko naman lisensya ko, at humirit pa.
Ako: “Manong maawa ka na, dyan lang naman ako pupunta sa gateway at sandali palang naman ako nag-drive sa yellow lane”
MMDA:”Hindi nyo kasi tinitignan eh, akin na yung OR.” (ito yung OR ng kotse ko)
MMDA: “parang tampered to ah”
Ako: “hindi ko na po alam yan manong, yan na po OR ng kotseng to”
Tapos may pinakita syang ticket, nakalagay dun na 500 pesos yung babayaran ko, at may mga seminars pa ako aattendan sa Makati, upang makuha yung lisensya ko.
Ako: “manong, pag-usapan nalang po natin, pero wala po akong ganyan kalaking pera, masyado pong malaki yung 500pesos sa akin”
MMDA: “naku, delikado yan, baka mahuli pa ako sa gusto mong mangyari, sige, bababaan ko nalang violation mo, 300pesos nalang”
Ako: “manong, hindi ko po magagawa yang mga seminars, kailangan ko pong magdrive papunta sa trabaho araw-araw, maawa napo kayo, hindi ko na po uulitin yung violation ko.”
MMDA: “talagang hindi mo na uulitin”
Ako: “Pano ba yang manong? Ako na pong bahala sa inyo, wag nyo na pong sabihin, kayo nalang po babayaran ko, gusto nyo ipit ko nalang sa OR yung pera?”
MMDA: “Delikado yang gusto mo, saan ka ba pupunta?”
Ako: “sa gateway po, unang beses ko po kasing dumaan dito.”
MMDA: “oh, sige, i-guguide ko nalang kayo papunta dun”
Hindi ko alam kung anong i-guguide, yun pala sasakay sya sa likod ng kotse at ituturo sa amin yung daan. At ganon na nga yung nangyari, umupo sya sa likod at tinuro sa amin yung daan papuntang gateway. Pagliko sa may araneta, ibinigay na nya sa akin yung lisensya ko. Ako naman, nagpasalamat, at nag-sorry ulit, habang nagpapaumanhin ako, inabutan ko na ng isang daan. 50 sakin, at 50 galing sa kasama ko.
Grabe, natapos din! Nakakatakot talaga! At nakakainis! Saying ang pera, at sobrang nakakakaba ang magmaka-awa sa MMDA. Stupid ko nga, hindi ko man lang alam kung anong violation ko at kung totoong 500php talaga. Basta, takot na takot talaga ako. Nung pauwi na galing gateway, hindi na kami dumaan sa EDSA, nag-aurora-anonas-kamias-kalayaan nalang kami, medyo malayo, pero ayoko nang mahuli ulit.
Buti nalang tumanggap ng bribe yung MMDA, at kung ano anong acting at pagsisinungaling pa ang ginawa ko para mangyari yun. Ilang dahilan na kaya ang narinig ng MMDA na yun? Siguro sanay na sanay na yung sa mga tanong kung ano anong dahilan. Naisip ko tuloy, mga lalaking driver ba, nagmamakaawa ng ganon? (I was clasping my hands together, saying, sorry and pleading my case.) Nakakapagod talaga yun, ilang minuto lang yung pangyayari pero sobrang laking relief nung natapos. Hehe.
Haha! Magaling! Parang Pick-up boy si manong MMDA, nakikihitch sa car ng girls...
ReplyDeleteuy bawal yun ahh sumakay sa car mo.. next time bigay mo na lang lisencya mo.. nde nmn nila dapt kkunin yun.. bbigyan k lng ng ticket tas magbabayad ka sa bank..
ReplyDeleteang weird nga eh! hindi ko alam na sasakay pala sya sa likod ng kotse.. nung sinabi nyang, "i-guguide ko nalang kayo.." akala ko, ituturo lang nya yung daan! yun pala, sasakay sya! hindi ko nga nabuksan aagad yung pinto sa likod, kumatok katok pa sya.
ReplyDeleteeh may mga seminar ek, ek pa daw eh.. totoo ba yun? ano bang ginagawa mo? nahuli ka na ba?
ReplyDeletehindi nila pwede kunin lisensya mo unless ilang beses ka nang nahuli previously at pasaway ka talaga... at buti na rin tumanggap ng bribe kundi another kaso na naman yun, hehe!
ReplyDeleteisang beses p lng ehehe binigyan lng ako ng ticket pero nde kinuha yung lisencya ko.. c jho ask mo ehehe dati kasi laging na huhuli yun ahahaha
ReplyDeletemalas yang gateway area! nahuli rin ako not so long ago dun.
ReplyDeletehindi nga dapat kinukuha yun lisensya..
ReplyDeletepalagay ko kaya sumakay si manong para malayo siya sa prying eyes na baka magsumbong na tumanggap siya ng lagay =p
galing mo chess magmakaawa -- yun talga super di ko magawa. parati ako napapabribe ng mahal! magbribe na nga lang ako, napapamahal pa ako. Nasa kanila na kse ung license at nagpapanic ako. Teach me how to lie chess! teach me!
ReplyDeleteso, mas OK na magpa-ticket nalang ako? hindi ba may number of tickets lang na pwede, tapos magiging invalid na yung license mo? may ganong rule ba? or nag-iimbento lang ako..
ReplyDeleteactually, lagi akong nag-aattempt mang-bribe. may kaso pa ba yun? kunwari noble yung MMDA na nakasalubong ko? pero kung noble sya, nakakainis parin, kasi parang yun lang yung ginagawa nya eh! nag-aabang ng mga kotse na nag-drive sa yellow lane! ilang seconds palang ako sa yellow lane! i swear!
ReplyDeletenaghanap na nga lang kami ng ibang daan na hindi dadaan ng EDSA afterwards.. kahit hindi namin alam yung daan.. but we were able to find it! via the city atlas! hohohoho. mas OK siguro kung may iPhone ako..
ReplyDeleteGrabe chesca ikaw lang siguro ang kilala kong makakagawa nyan! Magmakaawa sa MMDA. HAHA Galing!
ReplyDeleteoo nga eh, dun sa loob na street na sya bumaba. medyo takot din, pero gusto rin namang magpa-bribe.
ReplyDeletesars! its the easiest thing in the world! to lie! actually, you look like you've lost weight recently. =) hehe.
ReplyDeletehay nako no, lagi akong ganyan pag-nahuhuli ako.. hindi siguro, feeling ko mga babaeng drivers nagmamakaawa din.. feeling ko lang ha.. nakaka-panic ngang ma-huli lalo na kung hawak na ng MMDA yung license mo.. desperate times call for desperate measures.
ReplyDeleteChesca!!! Yan ba bagong pakana ng MMDA! Para di mahuli na tumatanggap sila ng bribe ay kunwari ituturo sa inyo yung daan, sasakay sila ng kotse at doon mo bibigyan ng bribe. Arggg nakakainis. Delikado yung ginawa mo tsang, paano kung di talaga siya tunay na MMDA? Paano kung holdaper. Ingat ka na lang Chesca sa susunod.
ReplyDeleteoo nga eh, kakagulat talaga.. kinakabahan ako the whole time... feeling ko nga, ayaw nung mr. MMDA na makita sya na tumatanggap ng bribe. kasi banaman, andun kami sa gitna ng EDSA, lahat ng BUS na dumadaan nakikitang nagmamakaawa ako.. nainis din ako dun ha, kasi tatanggap din pala sya, ang tagal tagal pa...
ReplyDeletehay another MMDA story.
ReplyDeletemy share: http://javacard.multiply.com/journal/item/8/Potek_ka_Hearty
my my my.... interesting story... :D
ReplyDeletewas that the chesca charm or what?
good thing nothing "bad" happened.